Mahal na Araw 2010

Ang Mahal na Araw ay nagsisimula pagsapit ng Miyerkoles ng Abo, ang araw na kinukrusan ng abo sa noo ang mga deboto bilang tanda ng kanilang pagsisisi. Paalaala rin iyon na "sa abo nagmula ang lahat, at sa abo rin magbabalik pagsapit ng wakas." Miyerkoles ng Abo ang naghuhudyat ng pagbubukas ng panahon ng pagsisisi, pag-aayuno, at pangungumpisal, na pawang paghahanda sa malagim na pasyon ni Hesukristo sa kamay ng kaniyang mga tagausig. Tumatagal nang 40 araw ang taunang tradisyon, at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo na ginaganap pagsapit ng Linggo. Muli pong ginugunita ng Parokya ng San Agustin at ang Pamunuan nito sa pangunguna ni Msgr. Enrico Santos ang Mahal na Araw 2010. Maari na po ninyo i-download ang Listahan at Gawain ngayong Mahal na Araw
Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Set as favorite
Bookmark
Email this
Hits: 1588
Comments (0)

Write comment
















