Salamat at Pakiusap sa mga Kandidato sa 2010
MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGTANGGAL NG ILLEGAL POSTERS (sana po hindi lang sa Glorietta kundi pati sa iba pang lugar tulad ng mga poste ng ilaw at puno ay matanggal na rin). Sa parke po natanggal na ang billboad ng buong ticket ni Mayor Romy Estrella, Vice Mayor Ferdie Cruz, Ex-Mayor Lando Salvador ganun din po ang mga poster ng iba pang konsehal tulad nina Tisoy Santos, Mabel Pascual, Bro. Alberto Mariano, Eddie San Gabriel, Gelo Vergel de Dios, Baldo Torres, Ron Cruz at iba pa. SALUDO PO ANG BAYANG BALIWAG SA INYO!
Natanggal na rin po sa wakas ang higanteng poster nina Manny Villar at Loren Legarda. Salamat po! SA MGA HINDI PA SUMUSUNOD ---> Mahiya naman po kayo sa mga taong boboto sa inyo at sa ating bayang Baliwag.
PAKIUSAP DIN PO NA SANA HUWAG NANG IBALIK AT ILAGAY SA IBANG LUGAR ANG MGA ILLEGAL POSTERS... MARCH 26 po naman simula na ng kampanya. Sundin na lang po natin ang batas sapagkat paano makakapaglingkod ng tama at paniniwalaan ng tao ang mga kandidato kung ang SIMPLENG BATAS SA ELECTION POSTERS AY HINDI NILA MASUNOD.
Add this page to your favorite Social Bookmarking websites

















