Sunday, February 05, 2012
   
Text Size

Baliwag Polytechnic College (BPC)

JobsDB Interactive Recruitment Network Filcode Inc. Changing the Way Philippine Webhosting is done! See Your Ads Here!

Colt 45 Malt Liquor

Advertise Now! ACSAT Baliwag

Enjoy the fun and excitement at SM City - Baliwag, Bulacan

Help Baliwag.Net Sponsor Us...

Informatics

Visit Video City Baliwag Now

UnisilverTIME Free Watch!

Bulacan BamboocraftSee Your Ads Here!

The Online Marketplace... 88DB.com

Tanong ng Baliwagenyo sa Mga Kandidato sa 2010

halalan-2010-philippine-national-election

MGA KANDIDATO!  NASAGOT N'YO NA BA ANG TANONG NG BAYAN?

Buhat po sa mga TALAKAYAN sa ating FORUM ay humingi tayo ng mga tanong sa kanila upang ITANONG SA MGA KANDIDATO SA 2010.  Nakabuo po tayo ng 22 tanong para sa mga kandidato at nasa ibaba po ang mga tanong na ito.

Puwede po ito mismong sagutan kaagad ng kandidato sa pamamagitan ng PAGREGISTER sa Baliwag.net at PAGREPLY sa FORUM LINK na ito o kaya ay pwede niya itong sagutan at ipadala ang sagot sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it .

Sa mga gusto namang maglagay o magkaroon ng POLITICAL ADS sa Baliwag.net pwede kayong magpadala ng inyong mga CAMPAIGN MATERIALS sa amin o kaya sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it kapalit ng munting tulong para sa ating tambayan.

Ang lahat po ng sagot ng mga kandidato may sagot man o wala ay aming ilalathala.  Sa amin pong tingin ay MAS KARAPAT-DAPAT IBOTO ang mga kandidatong pinaunlakan at naglakas loob na sagutan ang mga TANONG NG MGA BALIWAGENYO SA IBABA:

PERSONAL NA TANONG:

1. Bakit mo gustong maglingkod sa ating bayan sa kabila ng milyun-milyong gastos sa pagkampanya kapalit lamang ng ilang libong sahod?

2.  Paano mo pinaplanong mabawi o nababawi mo ba ang gastos na ito?  Papaano?

3.  Sasang-ayon ka ba at maninidigan na hindi ka tatanggap ng anumang pabor mula sa mga ilegal na pasugalan o anupamang ilegal sa ating bayan at hindi ka isa sa mga nagmamay-ari ?

4.  Maaari bang sumali ka sa mga diskusyon dito sa baliwag.net para direkta nilang masagot ang mga kurokuro at hinaing ng taumbayan?

5.  Ano ang kaibahan mo sa iyong mga kalaban? 

6.  Bakit ka namin pagtitiwalaan?


PEACE AND ORDER:


7. Ano ang plataporma mo sa suliranin sa trapiko, kabilang na ang masikip na kalye, sidewalks na di malakaran, labis ng bilang ng mga tricycle na mga hindi naman rehistrado, atbp?


EDUKASYON, KULTURA AT ISPORTS:

8. Ano ang plataporma mo ukol sa pgpapataas ng uri ng kamalayan ng mga tao?

9.  Magsusulong ka ba ng programa para i renovate ang mga historical at cultural sites sa ating bayan tulad ng bahay ni Mariano Ponce, bahay ng unang naihalal na mayor sa buong pilipinas (Lajom) atbp? At programa para isulong ang pagpapakilala sa mga ito, mga bayani, sa paaralan dito sa baliuag?


KAGALINGANG PANLIPUNAN:

10. Ano ang programa mo upang masolusyunan ang suliranin ng dumadaming mga pulubi at palaboy na nagkalat sa ating bayan?

11. Paano mo bibigyang solusyon ang mga ilegal na sugal sa ating bayan?

12. Ano ang gagawin mo kapag ika'y nahalal ukol sa mga establisimentong nagtitinda ng alak at/o inuming nakalalasing o kaya'y may mga bilyaran, video/computer games, etc na malapit sa mga paaralan at lumalabag sa ipinag-uutos ng batas?

13.  May mga negosyo ka ba na kabilang sa mga nabanggit sa itaas?  Tinutupad mo ba ang batas ukol dito?

14. Ano ang inyong opinyon at maaring gawing hakbang sa laganap na bentahan ng "pirated" na vcd/dvd at etc.?

15. Ano ang inyong maaring gawing hakbang sa hindi pantay-pantay na singil ng mga tricycle driver sa mga pasahero nito?

16. Sa usaping pang-kalusugan, ano ang maari ninyong gawin upang mas maging aktibo sa pagbibigay ng serbisyo ang mga health centers?


KALIKASAN AT KALINISAN:

17. Anong malinaw na programa ang ipapatupad mo sa lumalalang suliranin ng alinmang bayan (kasama ang Baliwag) ukol sa basura at ang tamang koleksyon nito?

18. Ano ang inyong pananaw sa unti-unting pagkaubos ng mga lupang pang-agrikultura sa ating bayan kapalit ng pagsalin nito bilang isang lupang pang-komersyo?


PARA SA MGA RE-ELECTIONIST NA KANDIDATO:

19) Ano yung nagawa nyo habang kayo ay nanunungkulan?

20) Sa mga pinangako nyo nung 2007 eleksyon, ano yung mga natupad nyo at hindi nyo natupad?bakit?



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Comments (0)Add Comment

Write comment

busy

My Tambayan Profile




Easy Sign In
RPX

Online KaTambayan

Online KaTambayan
3 users and 262 guests online

Latest Events

Latest Events

No current events.

Usapang Baliwag

Featured Ads