Sunday, February 05, 2012
   
Text Size

Informatics

Visit Video City Baliwag Now

JobsDB Interactive Recruitment Network Filcode Inc. Changing the Way Philippine Webhosting is done! See Your Ads Here!

Bulacan BamboocraftSee Your Ads Here!

The Online Marketplace... 88DB.com

Enjoy the fun and excitement at SM City - Baliwag, Bulacan

UnisilverTIME Free Watch!

Baliwag Polytechnic College (BPC)

Advertise Now! ACSAT Baliwag

Colt 45 Malt Liquor

Help Baliwag.Net Sponsor Us...

Baliwag.Net's Debut at SM City Baliwag a Success!

Matagumpay na naidaos ng Baliwag.Net at Brotherhood of Destiny (BROOD), Inc . ang kauna-unahang aktibidad kasama ang SM City Baliwag sa SM City Events Center, Pebrero 28 bilang pagsuporta sa proyektong Green Bags ng SM City Baliwag at sa World Creative Youth Forum (WCYF) 2009 .  Ang "Sustainable Development Exhibit and Film Showing" na tumatalakay sa mga isyu ng kalikasan, karapatang pangtao, kapayapaan at iba pa ay tinampukan ng mga exhibit mula sa mga organisasyong nanggaling pa sa Maynila.  Sa hapon naman ay nakiisa rin ang pamunuan ng SM sa pangunguna nina Engr. Rheybie Nipas, Assistant Mall Manager at Ma'am Jeune Teodoro, Marketing Manager para sa programa at Film Showing.  Ipinalabas ang mga dokumentaryong Masaid na Yaman, People Making Peace at Ehemplo. CLICK HERE FOR MORE EVENT PICTURES

Pinagunahan ni Joseph Ramos, WCYF Program and Events Chairperson ang programa.  Ilan sa mga nagsalita ay sina Bea Misa ng YSDA na tumalakay sa kahalagahan ng Sustainable Development; Osbi Santillan na nag-anyaya sa mga manonood para makilahok sa World March for Peace and Non-Violence; Marco ng Kalikasan PNE na nagsaad ng kalagayan ng ating kalikasan sa ngayon; Noel Orate ng Rotaract AMACU na sumentro sa usapin ng pakikilahok ng mga samahan sa adbokasiya ng Sustainable Development; Anne-Sylvie Lowent, ng ATD 4th World na tumalakay naman sa mga programa para sa kabataan at mga mahihirap.

"Sadyang hindi madali ang pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa kahalagahan ng ating pagkilos subali't kung hindi tayo kikilos ngayon ay baka mahuli na ang lahat."  Ito ang tinuran ni David D'Angelo, Chairperson ng World Creative Youth Forum (WCYF) 2009 at Pangkalahatang Tagapagsalita ng BROOD.

Ilan sa mga dumalo na organisasyon ay ang mga sumusunod: Kalikasan: People's Network for the Environment, All Together in Dignity, Youth for Sustainable Development Assembly (YSDA) - Pilipinas, Rotaract Club of AMA Computer University-QC, World March for Peace and Non-Violence, Generation Peace Network, at Philippine Federation for Environmental Concern (PFEC).

Ang Film Showing naman sa hapon ay dinaluhan ng mga kababayan nating taga-Baliwag at syempre ng mga paaralang naanyayahan para makiisa sa palabas at talakayan.  Kabilang sa mga pumunta ang Mariano Ponce National High School na siyang may pinakamaraming estudyanteng dumalo.  Nakilahok din ang mga sumusunod: St. Mary's College of Baliwag, at Pagasa Youth Association of Bulacan.

Kabilang sa mga naipalabas ang Masaid na Yaman na isang dokumentaryo ukol sa estado at kalagayan ng kapaligiran ng Pilipinas; People Making Peace na isa namang dokumentaryo ukol sa sitwasyon ng ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao; at ang Ehemplo na sumasalamin sapagbabagong dapat mangyari upang labanan ang katiwalian sa ating pamahalaan.

Inaasahan ng mga tagapagtaguyod ng programang ito na hindi man ganun karami ang dumalo ay may natutunan pa rin ang mga nakinig at nakiisa sa mahalagang talakayan.

 



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Comments (0)Add Comment

Write comment

busy

My Tambayan Profile




Easy Sign In
RPX

Online KaTambayan

Online KaTambayan
2 users and 238 guests online

Latest Events

Latest Events

No current events.

Usapang Baliwag

Featured Ads