Saturday, May 19, 2012
   
Text Size

Colt 45 Malt Liquor

Baliwag Polytechnic College (BPC)

Help Baliwag.Net Sponsor Us...

Advertise Now! ACSAT Baliwag

Visit Video City Baliwag Now

The Online Marketplace... 88DB.com

Bulacan BamboocraftSee Your Ads Here!

Informatics

Enjoy the fun and excitement at SM City - Baliwag, Bulacan

UnisilverTIME Free Watch!

JobsDB Interactive Recruitment Network Filcode Inc. Changing the Way Philippine Webhosting is done! See Your Ads Here!


Warning: Parameter 3 to mb_videobot() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/dispatcher.php on line 136

Warning: Parameter 1 to plgContentFb_like_button::onAfterDisplayTitle() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/event.php on line 67

Virgen delas Flores

Barangay Captain: Hon. VIRGILIO B. GARCIA

Barangay Tatsulok.  Hindi kataka-taka kung ito ang naging ngalan ng Barangay Virgen de las Flores, sapagkat ang hugis nito, na parang isang tatsulok o triangulo, ay hindi lamang natatangi kundi makasaysayan din naman.

Sabi ng matatanda sa nayon, noong unang panahon ay ipinahawan ng mga Kastila ang magubat na pook na ito upang gumawa ng mga kalsada.  Ang namuno sa paghahawan, ayon sa kuwento, ay si G. Vidal de Guzman na ama ng naging Kabesang Roberto de Guzman.  Tatlong kalsadang anyong tatsulok ang kanilang hinawan at ang mga ito, nanang malaunan, ay tinaguriang Sta. Limbana (Aldama ngayon), Sta. Leocadia (Gil Carlos) at P. Damaso, isang masikap at mapagkawanggawang pari na lehitimong tagarito.

Wala sinuman dito ang makapagsabi kung ano ang tunay na ngalan ng kanilang tirahang pook bago ito tinawag na Virgen de las Flores.  Ang katawagang ito ay nagsimula lamang nang maging ganap na baryo ito noong 1960.

Sabg-ayon kay G. Bernardino Caoc, unang halal na teniente del barrio ng Virgen de las Flores, kung tinatanong dati ang mga tagarito kung saan sila nakatira ay ganito ang karaniwan nilang sagot: "Doon sa kay Turnino" (o kaya'y Maestrong Turnino.")

Palibhasay's likas na relihiyoso ang mga tao rito, kaya't nang humiwalay sa San Jose ang lugar na ito upang magsarili bilang isang baryo ay tinawag nila itong Virgen de las Flores at hindi Tatsulok.  Ang kasaysayan ng Virgen de las Flores ay masasabing kasaysayan ng pagkakapagpatayo ng bisita rito, na batay naman sa diumano'y apat na panaginip.

Isang araw daw ay isang babaeng taga-Maynila na "nasa lagpas katanghalian ng kanyang gulang" ang nagsadya at bumaba sa may dakong malapit sa kinatatayuan ng naturang bisista na noon ay di pa nayayari.  Palinga-linga siya at tila may hinahanap.  Nang mamataan niya ang isang taga-nayon ay nilapitan niya ito at tinanong:

"Saan po ba makikita ang isang bisitang walang bubong?"

Itinuro naman ng taong pinagtanungan, na wari'y siklot ng buong pagtataka.

Nang mamasdan ng babae ang bisitang kawayan ang dingdingt at walang bubong, siya'y napailing, at sinikap niya agad na makapasok at makita ang imahen ng Virgen.  "Ito nga," ang galos pabulong na wika sa sarili at sabay yakap sa imahen.  "Ito nga ang sinabi sa akin ng Mahal na Birhen sa aking panaginip."

Dagli niyang hinanap si Maestrong Turnino na siyang buong tiyagang umukit sa nasabing imahen mula sa sanga ng punong santol - noon pa raw taong 1905.  Nag-alok anbg mahiwagang babae na kanyang ipapatapos ang tahanan ng Mahal na Birhen at ipagpipista niya ito sa loob ng anim na tapn sa sarili niyang gugol.  Nagkaloob din siya umano ng anim na kandelerong pilak ay isang kampana para sa bisita.

Sa kauna-unahang papista sa Mahal na Birhen noong 1921 ay sina Mariano de Guzman at Esperanza Garia ang kumatawan bilang mga pangulo ng kabataan.

Ngunit sino ang taga Maynilang babaeng yaon?  Siya raw ay si Gng. Juan Reynoso, na dating taga-Bacolod.

Ang ikalawang nanaginip umano tungkol sa Mahal na Birhen ay si yumaong Gng. Adelina Escribel na dating taga-nayon subalit nanirahan sa Sta. Maria, Bulacan.  Inako ni Gng, Escribel ang mga "pansariling pangangailangan" ng patrona, tulad ng hikaw at koronang ginto.

Sapagkat di matitibay ang materyales na nagamit sa bisita sa simula pa, ito'y gumiri at halos mabuwal nang bumagyo at lumindol noong 1925. Isang pari sa katauhan ni Padre Victor Enrile ang tumulong at kumalinga sa bisita.  Binga diumano ng isang magandang panaginip ay iminungkahi ni Padre Victor kay Maetring Turnino na magkakaloob siya ng halagang P1,600, "at sana'y tumbasan mo naman ang sariling abuloy upang ipagawa ang bisita."

Nag-abuloy raw si Maetrong Turnino ng P1,000 at ng lupang pinagtirikan ng bahay dalanginan.  Sinimulan ang pagpapagawa noong Pebrero 21, 1925.

Ang ipinagawang bisita ay ipanabago noong 1960, pagkalipas ng 35 taon.

Ang pinakahuling panaginip ay naganap pagkatapos lamang ng ilang taon, bago mag-1970.  Pinukaw raw ng Mahal na Birhen si Bb. Marcelina Adriano at sa kanya'y sinabi: "Ako ay nababasa, pag-ukulan mo nga ng pansin ang tapat ko."

Nang tingnan ng binibini ang pook na binanggit ay nakita niyang tumutulo nga pala ang bagong gawang bisita kung umuulan.  At may tagulamin na raw ang damit ng patrona.  Kaya't makalipas ang ilang araw ay ipinaayos na ni Bb. Adriano ang tumutulong parte ng bisita.

Dahil sa ang nasabing patrona ay "Reyna ng mga Bulaklak," araw-araw tuwing buwan ng Mayo ay inaalayan siya ng mga taga-nayon ng mababangong bulaklak hanggang sa pagsapit ng araw ng pista sa unang Linggo ng Hunyo.  Ang pag-aalay ay tinatampukan pa ng pagdiriwang ng Flores de Mayo.

Sang-ayon kay G. Delfin Garcia, tagapag-alaga noon ng poon sa bisita, makalawa nang ninakawan ng mga alahas ang imahen ng Birhen -  noong panahon ng Hapon at noong 1965.  Nawala ang kuwintas, mga hikaw at singsing niyon, subalit ibinalik daw ng magnanakaw ang korona pagkat ito'y "fancy" lamang.  Sang-ayon pa rin kay G. Garcia, dalawang beses isang taon ipinuprusisyon ang imahen - tuwing araw ng pasasalamat (Nobyembre 30) at tuwing pista.
Reference: Baliuag Then and Now


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Comments (0)Add Comment

Write comment

busy

My Tambayan Profile




Easy Sign In
RPX

Warning: get_object_vars() expects parameter 1 to be object, null given in /home/brood/public_html/baliwag/components/com_community/libraries/core.php on line 604

Online KaTambayan

Online KaTambayan
1 user and 65 guests online

Latest Events

Latest Events

No current events.

Usapang Baliwag

Featured Ads


Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/brood/public_html/baliwag/templates/rt_solarsentinel_j15/index.php(450) : eval()'d code on line 1