Saturday, May 19, 2012
   
Text Size

JobsDB Interactive Recruitment Network Filcode Inc. Changing the Way Philippine Webhosting is done! See Your Ads Here!

UnisilverTIME Free Watch!

The Online Marketplace... 88DB.com

Bulacan BamboocraftSee Your Ads Here!

Help Baliwag.Net Sponsor Us...

Baliwag Polytechnic College (BPC)

Colt 45 Malt Liquor

Informatics

Advertise Now! ACSAT Baliwag

Visit Video City Baliwag Now

Enjoy the fun and excitement at SM City - Baliwag, Bulacan


Warning: Parameter 3 to mb_videobot() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/dispatcher.php on line 136

Warning: Parameter 1 to plgContentFb_like_button::onAfterDisplayTitle() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/event.php on line 67

Tibag

Barangay Captain: Hon. TEODORO DG. DARCEN

Isang gabi ng Oktubre, taong 1960, isang grupo ng mga mamamayang may marubdob na hangarin sa Tibag ang nagtipun-tipon sa bisita nila at kanilang pinagusapan ang pagtatatag ng sariling barrio ayon sa mga tadhana ng Barrio Charter.

Kabilang sa mga nagsidalo sina Dominador Enrile (dating kagawad ng Bulacan provincial board at naging alkalde noong 1980 - 1981), Roding Rodriguez (naging konsehal noong 1964-1967 at kalihim bayan pagkatapos), Eto Mercado, Nicanor Victoria, Dr. Jose Castro, Mariano Alejo, dating Bise Alkalde Teodoro Toribio, Noli Rodriguez (batang kapatid ni ROding), Cornelio Navoa (nahalal na barangay captain noong Mayo 17, 1982), Jesus Villanueva, Clodualdo Codilla, Hilario Yabut, Atilano Rodriguez, Diosdado Inducin, Felipe Valderrama at Deogracias Darcen.

Hihiwalay na raw ang sityo ng Tibag sa nayon ng Sabang, kaya't tinalakay nila ang mga bagay-bagay, laluna ang nauukol sa hanggahan o boundaries niyon. Subalit pagkaraan ng miting na yaon ay natulog na parang mantika ang kanilang panukala.

Pagkalipas ng anim na taon ay binuhay na muli ni Eto Mercado ang kilusan ukol sa bagong barrio. Sa pamamagitan ni Roding Rodriguez na noon ay konsehal na ay isang kautusan ang pinagtibay ng konseho munisipal na lumilikha sa nayon ng Tibag, kaya't itong Tibag ang naging ika-27 at "pinakabunsong anak" ng Baliuag.

Tibag din ang napiling pangalan, pagkat may higit pa nga kayang aangkop dito? Tinagurian ng gayon ang pook na ito sa dahilang kapag bumabaha noong araw ay natitibag ang lupang kinatitirikan ng mga tahanan sa tabing ilog. Pati ang malaking dike na ginawa ng taumbayan ay nagiba rin ng nangangalit na ilog na nakapagitan sa mga bayan ng Baliuag at Bustos.

Ang pagsilang ng Barrio Tibag ay natampukan ng munting "drama" pagkat waring nagdulot iyo ng kaunting pagdaramdam sa ilang taga-Sabang. Sa palagay nila ay labis ang teritoryong sinakop nito. Paano raw naman, napasa-Tibag pati ang bahagi ng Dr. Gonzales street mula sa may kurba hanggang panukukan ng L. M. Guerrero, at buhat dito'y patungong A. Mabuni (hgighway) tagos hanggang ilog. Kaya't sakop din ang istasyon ng Baliuag Transit at ang malaking tahanan nina Biyuda.

Reference: Baliuag Then and Now



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Comments (0)Add Comment

Write comment

busy

My Tambayan Profile




Easy Sign In
RPX

Warning: get_object_vars() expects parameter 1 to be object, null given in /home/brood/public_html/baliwag/components/com_community/libraries/core.php on line 604

Online KaTambayan

Online KaTambayan
1 user and 63 guests online

Latest Events

Latest Events

No current events.

Usapang Baliwag

Featured Ads


Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/brood/public_html/baliwag/templates/rt_solarsentinel_j15/index.php(450) : eval()'d code on line 1