General Information
Fast Facts About Baliwag
List of Barangays
Tiaong (Lt. Cecilio Abraham)
Fast Facts About Baliwag
List of Barangays
Tiaong (Lt. Cecilio Abraham)
Warning: Parameter 3 to mb_videobot() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/dispatcher.php on line 136
Warning: Parameter 1 to plgContentFb_like_button::onAfterDisplayTitle() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/event.php on line 67
Tiaong (Lt. Cecilio Abraham)
Barangay Captain: Hon. RICARDO S. ROMULO
Ayon sa "Baliuag, Then and Now" ang pangalan ng barangay na ito ay Lt. Cecilio Abrahan. Subalit sa kasalukuyan ay hindi natin alam kung ito na talaga ang pangalan o ibinalik na ang dating panaglan na Tiaong.
Isinagawa ng konseho munisipal ang nasabing pagpapalit sa bisa ng Resolution No. 112 na pinagtibay noong Oktubre 24, 1963, sa pakiusap na rin ng mga taga-Tiaong. Ang kapasiyahang ito ay pinagtibay naman ng Sangguniang Lalawigan sa bisa ng Kapasiyahan Blg. 549, petsa Nobyembre 25, 1963. Si G. Teodoro Toribio, halal na bise alkalde noon, ang pansamantalang alkalde nang aprobahan ng konseho ang naturang petisyon.
Sino si Lt. Cecilio Abraham?
Isa siyang batang kawal na napalaban sa Bataan noong nakaraang digmaan. Kasama siya sa Death March at isa sa mga sundalong nakulong sa Capas concentration camp sa Tarlac.Nang siya'y makapagpagaling na sa Tiaong, ang nayong kanyang sinilangan, ay sumapi siya sa kulusan ng mga gerilya. Nadakip siya ng mga Hapon noong Abril 15, 1944 - sa gulang na 20 anyos - habang siya'y nasa isang mahalagang misyon sa may gawing Bocaue, Bulacan. Ibinilanggo siya ng ilang buwan sa Malolos.
Isang dalagang anak ng dati niyang kasera ang nagprisintang maging interpreter sa wikang Hapon para kay Lt. Abraham kung siya ay palalayain, subalit hindi pumayag ang mga Hapon. Sa halip ay pinahirapan si Lt. Abraham nang husto at pilit na ipinabubunyag sa kanya ang lihim ng samahang kanyang kinaaaniban (Headquarters Service Company, 3rd Regiment, Bulacan Military Area). Datapwat di siya sumigaw at manapa'y buong katapatan niyang tiniis ang malupit na parusang iginawad sa kanya, hanggang siya'y tuluyan nang todasin.
Hindi batid ng mga magulang at kapatid ni Lt. Abraham kung paano siya pinatay, at ni hindi rin nila natagpuan kailanman ang kanyang bangkay. Subalit ayon sa ilang pinuno ng gerilya siya ay isinilid sa isang dram ng gasolina at sinilaban. Dahil sa kanyang kagitingan, si Lt. Abraham ay kinilala bilang isang bayani ng mga gerilya.
Diumano, isa ring taga-Tiaong ang nagkanulo kay Lt. Abraham, subalit nagbayad na ng "utang" ang taong iyon (na sinasabing isang makapili) nang siya'y dukutin ng ilang kasamahan ng nasawing tenyente at paslangin din sa paraang kahindik-hindik.
Saan naman nagmula ang ngalang Tiaong?
Iisa lamang sa lugar na ito ang nakapagpaliwanag ukol sa alamat ng Tiaong. Siya'y si Ba Teong, o Doroteo Cruz, na mahigit sa sandaang taon na ang edad nang siya'y pumanaw noong 1970. Ipinahayag ni Ba Teong sa isang tanging pakikipanayam sa kanya na sila raw noong araw ay malapit sa tinitirhan ng mga Intsik na nagngangalang Tiah Hong. Ang Intsik na ito ay isa raw padpad, wika nga, walang klapatid, magulang o asawang kasama. Siya'y isang negosyante na umano'y nasa Binondo, Manila, ang negosyo.
Kaiba raw ang Intsik na ito pagkat napakabait daw at napakamatulungin. Ang mga nagdarahop sa buhay ay binibigyan niya ng bigas. Ang isa nga lamang kahinaan niya ay ang pagiging duwag pagkat sa sandaling makarinig ng kaluskos sa loob ng tahanan, o maging sa labas, ay agad tatakbo kina Ba Teong at doon makikitulog.
Ngunit isang gaing kalaliman, habang tulog na tulog si Tiah Hong sa kanyang tahanan, ay dumating ang isang pangkat ng tulisan. Wala raw patumanggang tinadyakan ang pintuan ng bahay at nang magising si Tiah Hong at akmang sisigaw ay pinagtataga siya ng itak.
Kinuha raw lahat ng tulisan ang paga-aari ni Tiah Hong at pagkatapos ay iniwan ang duguang katawan ng patay na Intsik. Lahat daw sa lugar na yaon ay nalungkot sa malagim na pangyayaring taon, sapagkat unang-una'y nawalan sila ng takbuhan sa oras ng pangangailangan. Kaya't nang ihganap ng ngalan ang pook na iyo't napagkaisahan ng matatanda rito na tawagin na lamang itong Tiah Hong, na nang malaon ay naging Tiaong.
Dati'y sakop ng Sta. Barbara at San Jose ang Tiaong. Naging ganap na barrio ito pagkatapos ng liberation, nang makapagpagawa ng sariling bisita.
Noong unang panahom ay maraming tanim na tubo at gulay sa dakong ito. Ang malaking tumana nito'y bagay na bagay sa mga gulay na pananim dahil sa katabaan.
Noon at ngayon ay iisa ang daang nagsisilbing kapwa pasukan at lagusan ng mga taga-nayon. Ang unang daang ito ay "bininyagan" ng Traviño, bilang paggunita kay Juan Traviño na naging gobernadorcillo ng Baliwag noong 1854. Si G, Traviño ang sinasabing nagpaayos ng mga tahanhan sa Tiaong.

Mga Kilalang Tao
Ang mga taga-rito ay kilala sa kasipagan at kabaitan. Gayon din sa kagitingan at pagmamahal sa katarungan.
Ilan sa mga ipinagmamalaking anak ng Barangay Lt. Cecilio Abraham ay ang mga sumusunod:
Sina Atty. Teodoro K. Molo at Dr. Luis Santos ay itinuturing sa ilang tagarito na may mga nagawang malaki para sa kapakanan ng pook na ito, laluna sa mga bagay na pampaaralan.
Ang malaki nang paaralan ng nayong ito'y naging bantog din naman sa pagiging Pilot Community School ng Baliwag noong mag-1960. Mga educators sa iba't-ibang bansa, gaya ng Thailand, Nationalist China, Laos, Pakistan at Afghanistan, ay bumisita na rito. Dahil sa pangunguna nito sa larangan ng community education ay ginawaran ito ng Award of Merit ng National Council of Community Beautification noong Mayo 1960.
Si Kapitan Erning Abraham ang kauna-unahang halal na punong-nayon ng Tiaong sa pag-iral ng Barrio Charter noong 1960 (36 anyos lamang siya noon). Hindi siya tumakbong muli kundi noong 1968, at wala siyang kalaban. Subalit pagkaraan ng apat na buwan ay nagbitiw siya upang magtranaho sa munisipyo bilang capataz o tagapangasiwa sa mga pagawain ng pamilihang bayan.
Noong 1982, pagkatapos ng 12 taong paglilingkod sa munisipyo, kumandidato siyang muli sa halalang pambarangay na ayon sa kanya "masigla" pagkat dalawa ang kalaban niya.
Ilan sa mga ipinagmamalaking anak ng Barangay Lt. Cecilio Abraham ay ang mga sumusunod:
- Imelda Santos na nakilala sa pinilakang tabing noong bago magkadigma sa pangalang Rosita Rivera;
- Benigno Sison (Celever Sison) na naging kampeon sa boksing at nagpatanyag hindi lamang sa bayan ng Baliwag kundi gayundin sa buong bansa;
- Veronica vda. de Segismundo na siyang nagkaloob ng isang ektaryang lupa na pinagtayuan ng paaralan dito;
- Juan Cruz na siyang kauna-unahang CPA o Certified Public Accountant ng nayon;
- Engr. Renato Rivera na naglingkod bilang construction engineer ng Buereau of Public Highways;
- Vivencio Rivera na dating teniente del Barrio at pangulo ng PTA;
- Victorino Cruz na isang matagumpay na negosyante;
- Fermin Abraham na isang guro;
- Ernesto Abraham na nakababatang kapatid ni Lr. Cecilio Abraham.
Sina Atty. Teodoro K. Molo at Dr. Luis Santos ay itinuturing sa ilang tagarito na may mga nagawang malaki para sa kapakanan ng pook na ito, laluna sa mga bagay na pampaaralan.
Ang malaki nang paaralan ng nayong ito'y naging bantog din naman sa pagiging Pilot Community School ng Baliwag noong mag-1960. Mga educators sa iba't-ibang bansa, gaya ng Thailand, Nationalist China, Laos, Pakistan at Afghanistan, ay bumisita na rito. Dahil sa pangunguna nito sa larangan ng community education ay ginawaran ito ng Award of Merit ng National Council of Community Beautification noong Mayo 1960.
Si Kapitan Erning Abraham ang kauna-unahang halal na punong-nayon ng Tiaong sa pag-iral ng Barrio Charter noong 1960 (36 anyos lamang siya noon). Hindi siya tumakbong muli kundi noong 1968, at wala siyang kalaban. Subalit pagkaraan ng apat na buwan ay nagbitiw siya upang magtranaho sa munisipyo bilang capataz o tagapangasiwa sa mga pagawain ng pamilihang bayan.
Noong 1982, pagkatapos ng 12 taong paglilingkod sa munisipyo, kumandidato siyang muli sa halalang pambarangay na ayon sa kanya "masigla" pagkat dalawa ang kalaban niya.
Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Set as favorite
Bookmark
Email this
Hits: 2964
Comments (0)

Write comment
My Tambayan Profile
Warning: get_object_vars() expects parameter 1 to be object, null given in /home/brood/public_html/baliwag/components/com_community/libraries/core.php on line 604