Warning: Parameter 3 to mb_videobot() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/dispatcher.php on line 136
Warning: Parameter 1 to plgContentFb_like_button::onAfterDisplayTitle() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/event.php on line 67
Tarcan
Barangay Captain: Hon. ARIEL F. CABINGAO
Isa sa mga barangay na malaki rin naman ang naging pag-unlad mula noong 1970 ay ang Barangay Tarcan. Ang pangunahing dahilan ay ang pagkakapaggawa ng Doña Remedios Tinidad Diversion Road na dumaraan dito at ng mahahaba at maluluwang na barangay road nito.
Ang sementadong Diversion Road ay may habang sampung kilometro, buhat sa national highway na saklaw ng San Rafael hanggang Pulilan, subalit mga dalawang kilometro lamang ang bumabagtas sa Tarcan.
Noong araw aay magjahiwalay ang Tarcan at ang Mulawin. Bagamat itinuturing na bahagi ang Tarcan ng Sta. Barbara at ang Mulawin ng Makinabang, sila ay kapwa may kanya-kanyang teniente del barrio bago pa magkadigma. Nong 1925, halimbawa ang punong-nayon sa Tarcan ay si G. Jose Caluag at sa Milawin naman ay si G. Dominador Manahan. Nombrado silang pareho ng noo'y Presidente Municipal Pedro Mateo.
Nang maging ganap na barrio ang Tarcan sa bisa ng Barrio Charter na pinagtibay noong 1960 ay sinakop nito ang Mulawin pagkat kakaunti ang naninirahan dito.
Tulad ng ibang baryo ang Tarcan noong unang panahon ay tubuhan at palayan. Ang mga tubong inaani nrito'y inilululan sa tren at dinadala sa kabayaan upang mapiga. Hanggang noong mga taong 1971 ay dinaraanan ang Tarcan ng tren na bumibiyahe araw-araw ng Tutuban-Cabanatuan.
Ang mga tao rito ay mababait at mabababang loob. Ang pinipintakasi nilang patron ay Corazon de Jesus na ipinagpagawa nila ng bisita sa camino pagkatapos ng liberation.

Pinagmulan
Noon daw panahon ng Kastila ay pinagagawa ng mga maykapangyarihan ang mga tao rito sa iba't ibang gawaing-bayan nang sunud-sunod at walang pahinga. Kapag daw natapos na ang isang gawain ay may isusunod agad, kaya't madalas masabi tuloy ng mga taong sila'y "tarcado" o "tarcang tarca" na sa kauutos ng mga Kastila. ("Puro utos, puro utos!")
Nang kailangan nang "binyagan" ang kanilang pook ay naalala ng mga taga-rito ang bida ng kanilang mga magulang at ninuno tungkol sa naging bukambibig ng mga ito noong panahon ng Kastila. Kaya't minabuti nilang Tarcan ang ingalan upang magunita diumano ang nakalipas.

Reference: Baliuag Then and Now
Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Set as favorite
Bookmark
Email this
Hits: 1763
Comments (0)

Write comment
My Tambayan Profile
Warning: get_object_vars() expects parameter 1 to be object, null given in /home/brood/public_html/baliwag/components/com_community/libraries/core.php on line 604