Saturday, May 19, 2012
   
Text Size

UnisilverTIME Free Watch!

Help Baliwag.Net Sponsor Us...

Bulacan BamboocraftSee Your Ads Here!

Informatics

Colt 45 Malt Liquor

The Online Marketplace... 88DB.com

JobsDB Interactive Recruitment Network Filcode Inc. Changing the Way Philippine Webhosting is done! See Your Ads Here!

Baliwag Polytechnic College (BPC)

Enjoy the fun and excitement at SM City - Baliwag, Bulacan

Advertise Now! ACSAT Baliwag

Visit Video City Baliwag Now


Warning: Parameter 3 to mb_videobot() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/dispatcher.php on line 136

Warning: Parameter 1 to plgContentFb_like_button::onAfterDisplayTitle() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/event.php on line 67

Sulivan

Barangay Captain: Hon. BENJAMIN R. SANTIAGO

Dati, ang takbo ng pamumuhay rito ay sinasabing tulad sa pagusad ng sulib.  Ang sulib ay parang suso o tahong na pahaba ang hugis.  Hinuhuli ito noong araw sa malaking bana (marsh) at niluluto upang maiulam.  Balita ang banang ito bilang hulihan ng sulib (suliban).  Sa katunayan, ito ang pinagmulan ng ngalan ng nayong ito.

Sabulait kagaya sa Tilapayong ay may dalawang mahalagang pangyayaring nagbigay ng ibayong sipag at pagsisikap sa mga tagarito at nakapagtaas sa antas ng kanilang kabuhayan.  Ang unang pangyayari'y naganap noong Mayo 20, 1970, nang ipagbili sa kanila ng Simabahang Katoliko ang mga lupang matagal na nilang sinasaka at tinitirhan.

Ang makasaysayang pagbibilihan at naisagawa sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines (LBP) na siyang nagbayad sa Simabahan at pagkatapos ay pinahuluh-hulugan sa mga namamaryo sa loob ng 25 taon sa 6% interes lamang.  Sina yumaong Senador Blas F. Ople at Director Juan T. Reyes ang lumagda sa kasulatan ng pagbibilihan bilang mga kinatawan ng LBP.  Animo'y pista ang okasyong yaon na idinaos sa bakuran ng tahanan ni dating Bise Alkalde Teodoro Toribio sa Tilapayong, ang nayopng dating nakasasakop sa Suliban.

Ang buong sukat ng ari-ariang binayaran ng LBP (sa halanag P4,000 bawat ektarya) ay 145 ektarya.  Mga 98 nito ang nabahagi ng Suliban at ang nalalabi ay nabahagi naman ng Tilapayong, sang-ayon kay Kapitan Simeon V. Robles.

Sa lahat ng barangay sa bukid ay Suliban lamang ang hindi nasaklaw ng land reform.  Paano, ang kabuuan nito'y lupaing mitre (ari ng Simbahan).  Masasabi pa nangang higit na nauna ito at ang Tilapayong sa pagkakaroonb ng land reform dahil sa bilihang naganap.

Isang napakalaking tagumpay ito para sa mga taga-Suliban at taga-Tilapayong.  Sa panahon pa ng panunungkulan ni yumaong Pangulong Magsaysay ay sinimulan na nilang pakiusapan ang Simbahan na ipagbili sa kanila ang naturang lupain.  Samakatuwid ay mga 15 taon silang naghintay bago nakamit ang kanilang minimithi.

"Ito na marahil ang pinakamalaking bagay na nangyari sa aming nayon sa loob ng maraming taon," masayang nawika ng noo'y Kapitan Bernandino Angeles, isa sa mga nabiyayaang magsasaka.

Hindi lamang sa nayon nakabuti ang pagbibilihan kundi sa pamahalaang bayan din.  Ito ay sa dahilang ipinagbabayad na ng buwis ng mga kasalukuyang may-ari ang mga lupaing ito sa Suliban.  Ang ilan sa kanila ay may titulo na.  Dati ay walang nalilikom na amilyar ang gobyerno kahit isang sentimo sapagkat libre sa buwis ang Simbahan.  At ayon sa batas, sampung porsyetnto ng amilyar ay dapat tanggapin ng kinauukulang barangay upang maiukol sa mga proyektong pambarangay.

Ang ilalawang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Suliban ay naganap noong Abril 29, 1983, nang gawing "pilot barangay" ang Suliban kasama ng Tilapayong sa promal na paglulunsad ng pamahalaang lalawigan noon ng "Ingegrated Area Management System for Agricultural Services" (IAMSAS_ sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap 803 ng Pangulong Marcos.

Sa loob pa lamang ng unang taon ng pagpapatupad ng IAMSAS noon ay nagkahalaga ng P1,110,777.00 ang lahat ng proyektong pangkabuhayan at panlipunan at mga pagawain sa Tilapayong at sa SUliban.  Nagpautang ang pamahalaan para sa pagpapalahi ng mga baka, pagbababuyan, pag-aani ng palay, pagtitinapa, pagtatayo ng "tinadahang samu't-samot, pag-iimbak ng pagkain at palaisdaan

Reference: Baliuag Then and Now



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Comments (0)Add Comment

Write comment

busy

My Tambayan Profile




Easy Sign In
RPX

Warning: get_object_vars() expects parameter 1 to be object, null given in /home/brood/public_html/baliwag/components/com_community/libraries/core.php on line 604

Online KaTambayan

Online KaTambayan
1 user and 59 guests online

Latest Events

Latest Events

No current events.

Usapang Baliwag

Featured Ads


Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/brood/public_html/baliwag/templates/rt_solarsentinel_j15/index.php(450) : eval()'d code on line 1