Warning: Parameter 3 to mb_videobot() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/dispatcher.php on line 136
Warning: Parameter 1 to plgContentFb_like_button::onAfterDisplayTitle() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/event.php on line 67
Subic
Batay sa sukat,a ng Subic ay pangalawa sa pinakamaliit, kundi man pinakamaliit, na barangay sa Baliuag. Halos 12.5 ektarya lamang ang laki nito, subalit isa naman ito sa pinakamataong barangay.
Bumilis ang pagdami ng tao mula nang matatag dito ang apat na subdibisyon (Aurea, Emel, Enriqueta at Doña Rosa) sa mga dating bukid.
Isa pang dahilan ng pagbabago ng lugar na ito ay ang paghiging ganap na barrio nito. Anbg Subic ay isa sa apat na dating sityo na humiwalay sa Sto. Cristo para makapagsarili. Ang iba at ang Bagong Nayon, Tangos at Pagala. Nang bumukod ang Subic ay kinailangang sumaklaw sa bahagi ng Sabang upang lumaki-laki ang teritoryo niyon. Gayon din ang ginawa sa Sabang ng "anak" nitong Tibag nang ito'y magsarili noong 1966.
Ang unang nahalal na barrio captain ay si G. Ricardo Santiago Jr., na sinundan naman ni G.Ignacio San Juan at pagkatapos ay sina G. Herminigildo Cruz at G. Sulit.
Ang lupa namang tinitirikan ng Subic Elementary School, na may sukat na kalahating ektarya, ay kaloob ni G. Ernesto Escaler ng Apalit, Pampanga, na siyang nagtatag ng Aurea Subdivision.
Pinagmulan
Paano nga ba naging Subic ang ngalan ng pook na ito?Noong araw na ito'y bahagi pang Sto. Cristo, kilala ang lugar na ito sa tawag na Sulucan sa dahilang nasa sulukan na ng bayan at walang ibang kalye o kalyehon kang madaraanan. May dalawa pa raw boksingero na dito nakatira. Sila ay sina DIego Domiungo at Emiliano Isidro. Umani sila ng tagumpay hindi lamang sa Baliuag kundi sa mga kalapit-bayan din.
Kapag may nagtatanong kung mga tagasaan sila, ang isinasagit ng dalawa ay "S.O.S" o "Sons of Sulucan." Kaya't ang dalawang boksingerong ito ay nakilalang mga "taga-Sulucan." May nagsasabi na ang kahulugan daw ng subic ay sulucan din, kaya't dito rin daw kinuha ang ngalan ng pook na ito.
Ngunit may isa pang bersyong tungkol sa pinagmulan ng ngalang Subic, at ito ang pinaniniwalaan ng nakararami. Pakinggan ninyong mabuti:
"Noong 1902 ay may tatlong dalagang taga-Subic, Zambales, na dumating at nanirahan sa may dulo ng daang Plaridel (Sta. Rita alto noon). Sila'y magaganda kaya't napabalita sa mga karatig-pook ang kanilang pamamalagi roon. Pinagdayo sila ng mga binata't marami sa kanila ang nanikluhod dito, at kung tinatanong kung saan sila pupunta ay sumasagot sila ng "Sa mga taga-Subic."
"Bagama't wala isa man sa tatlong dalaga ang nakapag-asawa ng taga-Baliuag o sa sinumang dumalaw sa kanila, at kahit na ang mga dalagang ito ay umalis na rin magalipas ang ilang panahon, ay nanatili pa rin ang kanilang alaala at ang pagiging taga-Subic kung kaya't ang pook na ito'y pinangalanang Subic."
Ito ay ulat ni Gng. Salome B. Villaroman, principal ng Sabang Elementary School, batay sa salaysay ng kanyang impong na si Gng. Maria Francisco de Mesa na lehitimong tagarito. Si Gng. De Mesa ang maybahay ni "Maestrong Tonio" na siyang gumawa ng simbahang Baliuag noong panahon ng Kastila, mga ilang taon matapos na ito'y magiba ng isang napakalakas na lindol noong Hunyo 3, 1863.
Ang kilalang teritoryo ng Subic noong araw ay maliit lamang - halos yaon lamang bahagi ng kalye Plaridel, mula sa kanto ng F. Rustia hanggang sa may dduluhan patungong Sabang. Ang kabilang karsada (Calderon) ay "tabing bukid" kung tukuyin, pagkat pawang kabukiran ang katabi niyon at madalang na madalang ang bahay roon. Sa bahaging ito naririto ngayon ang mga subdibisyong Emel, Enriqueta at Doña Rosa. Ang lugar ng Aurea subdivision ay dating bahagi naman ng Sabang, subalit ipinasakop sa Subic bilang pagtalima umano sa kundisyon ng may-ari niyon sa pagkakaloob niya ng kalahating ektaryang loteng pampaaralan.
Mga Tao
Si G. Maximo "Momoy" Enrile ang kauna-unahang nagtayo ng tablerya sa bayan.
Add this page to your favorite Social Bookmarking websites

My Tambayan Profile
Warning: get_object_vars() expects parameter 1 to be object, null given in /home/brood/public_html/baliwag/components/com_community/libraries/core.php on line 604
















