Saturday, May 19, 2012
   
Text Size

Help Baliwag.Net Sponsor Us...

Bulacan BamboocraftSee Your Ads Here!

Baliwag Polytechnic College (BPC)

UnisilverTIME Free Watch!

Informatics

JobsDB Interactive Recruitment Network Filcode Inc. Changing the Way Philippine Webhosting is done! See Your Ads Here!

Visit Video City Baliwag Now

Advertise Now! ACSAT Baliwag

The Online Marketplace... 88DB.com

Enjoy the fun and excitement at SM City - Baliwag, Bulacan

Colt 45 Malt Liquor


Warning: Parameter 3 to mb_videobot() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/dispatcher.php on line 136

Warning: Parameter 1 to plgContentFb_like_button::onAfterDisplayTitle() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/event.php on line 67

Sto. Niño

Barangay Captain: Hon. RUFINO D. MANUEL

Walang alinlangan, ang Sto. Niño ay isa sa pinakamabilis umunlad na barangay sa gawing bukid.  Hindi dapat pagtakhan ang matuling pag-unlad ng nayong ito, pagkat tulad ng Tangos ay nasa delantera o hanay ito ng sementadong Baliuag-Candaba Road at ilang minuto lamang ay mrarating na buhat sa kabayanan.  Dahil sa magandang lokasyon nito ay naging sentro ito ng negosyo para sa mga magbubukid.

Ang mga tagarito at kilala sa pagiging relihiyoso at kababaang-loob.  Marami sa kanila, laluna ang mga katutubong tagarito, ay deboto kay Sto. Niño na kanilang ipinagpipista taun-taon.  PInagdarayo ang nayong ito ng mga mananampalataya buhat sa iba't-ibang lugar dahil sa kanilang mahal na patron.

Masaya at makulay ang pista rito, kahit hindi gaya noong mga nagdaang panahon.  Dati, para sa mga bata rito at sa mga naroroon sa mga kanugnog na nayon, ang taunang pagdiriwang na ito ay tunay na kapana-panabik.  Kung ano ang galak na dinarama ng mga bata tuwing Araw ng Pasko ay gayindin ang katuwaang nag-uumapaw sa kanilang mga puso.  Sapagkat sa kaarawan ng pista ng Sto. Niño ay sila - ang mga musmos - ang bida.  Binibihisan sila ng damit Sto. Niño at dinadala sila sa bisita upang dumalo sa selebrasyon.  Anupa't ang matatanda na nagiging lubhang maalalahanin sa tanging araw na ito ay nagsisilbing "alalay" lamang nila.

Ngunit ngayon ay kakaunti nang magulang ang gumagawa nito.  Ang bagong uso ay magsuot ang kababaihan ng mga pulang damit at magsayaw hhabang sila' nagpruprusisyon sa Baliuag-Candaba Road sa bahaging saklaw ng nayon.

Kasaysayan

Sa pasimula ay bahagi ng Barangka ang Sto. Niño at noon pa may ay Sto. Niño na ang patron ng buong nayon ng baranga.  Kung paano nahiwalay ang Sto. Niño ay isang kakatwang kasaysayan.  Pagkat lumilitaw na ang "inang nayon" ang siyang humiwalay at ang kanyang iniwan ang lugar na ito.  (Noon ay ni hindi sityong matatawag at ni wala pang ngalan ang Sto. Niño.)

Di ba't karaniwan ang humihiwalay na lugar ang siyang nagtataglay ng sariling ngalang naiiba sa hinihiwalayang pook?  Balintuna ang kaso ng Barangka.  Desidio ang mga pasimuno sa pagsasarili na dalhin nila ang nagalang "Barangka."  Mangyari pa, mahigpit na tumutol ang mga nakatira sa iniiwang lugar.

Nagsimula ang kilusan sa pagbukod ng Barangka nang unang maging alkalde si G. Roberto Chico (1956-1959).  Idinulog ng mga taga-Sto. Niño (ngayon) ang kaso sa sangguniang bayan.  Lumawig ang kaso hanggang sa umiral ang Barrio Charter ayt nagsimula nang ihalal ang mga pinunong-nayon noong 1960.

Nagdaos ng magkahiwalay na halalan ang dalawang grupo ng mga lider sa BArangka at Barangka ang kapwa tinataglay na ngalan ng kanilang mga nayon.  Parehong kinilala ng sangguniang bayan ang dalawang baryo, pero upang huwag malito ang mga pinunong-bayan ay tinawag nilang "Barangka (Sto. Niño)" ang isa, batay sa pangalan ng mahal na patron.

Pagkalipas ng ilang pang halalang pambaryo ay "napangawitan" na ng balana ang ngalang "Sto. Niño" bulang pagtukoy sa lugar na ito.  Samantala, waring nalimutan na rin ang usaping nakabinbin sa munisipyo.  Magkagayunpaman, usang malaking pampalubag-loob sa mga taga-rito na ang nilisang "anak" ay higit na naging maunlad kaysa sa lumisang "ina."

Di nagtagal at nagtayo na ng ibang bisita ang mga nagsihiwalay na taga-Barangka at ang mahal na Nazareno ang ginawa nilang Patron.
Reference: Baliuag Then and Now


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Comments (0)Add Comment

Write comment

busy

My Tambayan Profile




Easy Sign In
RPX

Warning: get_object_vars() expects parameter 1 to be object, null given in /home/brood/public_html/baliwag/components/com_community/libraries/core.php on line 604

Online KaTambayan

Online KaTambayan
1 user and 59 guests online

Latest Events

Latest Events

No current events.

Usapang Baliwag

Featured Ads


Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/brood/public_html/baliwag/templates/rt_solarsentinel_j15/index.php(450) : eval()'d code on line 1