Warning: Parameter 3 to mb_videobot() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/dispatcher.php on line 136
Warning: Parameter 1 to plgContentFb_like_button::onAfterDisplayTitle() expected to be a reference, value given in /home/brood/public_html/baliwag/libraries/joomla/event/event.php on line 67
Poblacion
Sentro ng kaunlaran ang Poblacion. Dito makikita ang ilang malalaking establishimento at mga bagko. Sa kasalukuyan ay andito ang National Booksore, Pandayan Bookshop at ang Aliw Cinema Complex na nag-iisang sinehan sa bayan ng Baliwag. Andito rin ang Music Warehouse na siayng gimikan tuwing gabi at nagbibigay ng mga palabas at konsiyerto ng mga sikat na banda sa Pilipinas.
Sa Poblacion din makikita ang mga frnachise ng sikat na kainan tulad ng Chowking, Greenwhich, Jollibee at Convenience Store na 7-11 at Mini Stop pati na rin ang Manson Drug at Mercury Drug Store.
Ang pamilihang bayan ng Baliwag na matatagpuan din dito ay isa sa iilang pamilihang bayan sa bansa na 24 na oras ang operasyon at walang tulugan. Dito makikita ang samu't-saring mga bilihin mula sa mga gulay, prutas, damit, sapatos, bag at kung anu-ano pa. Ito ang tiyangge ng Baliwag araw-araw.
"Mayroon ba namang bayan na'y ginagawa pang barrio?" ang tanong nila.
May katwiran ang mga nagsipunang ito, subalit sa nakita ng may-akda ng Baliuag: Then and Now ay nabuo ang kanyang pasiya na kung may isang lugar sa Baliwag na dapat pag-ukulan ng pansin hindi lamang ng pangasiwaang-bayan kundi gayundin ng mga mamamayang may kunsiyensiyang panlipunan, ito ay ang Poblacion. Sa pamamagitan ng mahalagang kapakinabangang idinulot ng sangguniang barangay ay maaring mapabuti ang kalagayan ng pook na ito, lalo't higit ang mga magkakaratig na sityong kung tawagin ay Dike, Little Baguio at Libis.
Bagama't ang Poblacio ay isa sa limang pinakamaliit na barangay, ito naman ang pinakamatao at madalas ay sya ring maraming suliraning kinakaharap.
Ang Barangay Poblacion ay napapaligiran ng anim na barangay: Tibag, San Jose, Concepcion, Sto. Cristo, Bagong Nayon at Subic. Ang pagdagsa ng mga tao rito, laluna sa tatlong nabangit, ay siyang nagdudulot ng mabigat na suliranin. Unang-una nga, ang Dike, Little Baguio at Libis, na nasa likuran at tagiliran ng pamilihang bayan, ay mistulang Casbah o Little Tondo na. Sa madaling sabi, mga slum areas. Dikit-dikit halos ang mga bahay maliban sa ilan ay talagang kubu-kubo lang at walang sanitary toilets.
Nang masunog ang palengke noong gabi ng Pebrer0 17, 1956 ang mga bahay rito sa Little Baguio ay naramay.
Tulad ng Dike at ng Little Baguio, kapag nagkakasunog sa palengke ay nalalagay sa malaking panganib ang Libis. Ngunit bukod sa sunog ay manaka-naka ring dinadalaw ang tatlong sityong ito ng baha, pagkat malalapit ang mga ito sa ilog. Ang isa sa pinakamalaking bahang sumalanta hindi lamang dito kundi gayundin sa kalakhan ng Baliwag ay nangyari noong Oktubre 26, 1978. Mga 200 barong-barong, pati ng mga babuyan at manukan, ang tinangay ng malaking baha.
Dito rin matatagpuan ang Samahang Senakulista, na itinatag noong 1950 at nagdaraos ng ceneculo tuwing Mahal na Araw sa may Simbahan ng San Agustin.
Add this page to your favorite Social Bookmarking websites

My Tambayan Profile
Warning: get_object_vars() expects parameter 1 to be object, null given in /home/brood/public_html/baliwag/components/com_community/libraries/core.php on line 604
















